Anak ng Kumander by allan diones

Written by Tech84 on January 16, 2008

  ABANTE TONITE                                                           
  ‘Kumander’ ni Pacquiao, nakatatawa                                      
  Ni: Allan Diones                                                        
                                                                          
  Gininaw-ginaw kami sa loob ng sinehan dahil iilan lang kami nang manood 
  kami ng filmfest entry na Anak ng Kumander sa TriNoma cinema nu’ng      
  Miyerkules.                                                            
  Mabibilang na nga kami sa daliri, nagsisipag-walkout pa ang iba at      
  hindi tinatapos ang action mo­vie ni Manny Pacquiao kaya lalo nang      
  walang natira sa sinehan.                                               
  Sa trailer pa lang ay alam mo na kung anong klaseng pelikula ang        
  mapapanood mo sa Anak ng Kumander ng MP Promotions. Ang producer nito   
  ay ang mga kapatid ni Manny na sina Rogelio at Bobby Pacquiao, at ang   
  executive producer ay ang misis niyang si Jinkee Pacquiao.              
  Kuwento ito ng isang rebelde, si Kumander Idel (Manny) na galit sa mga  
  drug lord, jueteng lord at mga tiwaling pulitiko.                       
  Sa umpisa pa lang ng pelikula ay may dramatic moment na si Pacquiao     
  nang magkasunod na mamatay ang kanyang magulang (Dante Rivero at Perla  
  Bautista).                                                              
  Emote na emote na si Manny sa mga eksena niya pero hindi kami matangay  
  sa pagdadrama niya dahil mas sanay kaming makita siyang nakangiti at    
  pa­nay ang tawa.                                                        
  Itsura ng mga lumang pelikula nu’ng ’80s ang pinanonood namin. Naaliw   
  kami nu’ng mag-ala-Rambo si Idel matapos matigok ang nanay at tatay     
  niya.                                                                   
  Nang sugurin siya ng mga siga para palayasin siya sa bahay niya, galit  
  na dayalog niya sa mga ito: “Muslim ang tatay ko, Bisaya ang nanay ko.  
  Dito na ako lumaki at tumigas ang buto, tapos, palalayasin n’yo ako     
  rito?!”                                                                 
  Siyempre, siya ang bida, kaya sa liit niyang ‘yon ay nagawa niyang      
  talunin ang apat na goons na mas matatangkad at mas malalaki ang        
  katawan sa kanya.                                                       
  Klasik para sa amin ‘yung linya ni Kumander Idel na, “Anuman ang        
  inutang, ‘yun din ang kabayaran. Kalabaw ang inutang, kalabaw din ang   
  papatay!”                                                               
  Nang mapanood namin ang movie ay saka namin ‘naunawaan’ ang da­yalog    
  niyang ‘yon. Tinalian pala ng lubid sa leeg ang mga magnanakaw ng       
  kalabaw at saka binigti, na ang humihila ng lubid ay ‘yung mga kalabaw! 
  Alam na nga natin ang kakatwang pagsasalita at punto ni Manny, ewan     
  kung bakit kilometric ang mga matulaing linya niya sa pelikula at ang   
  hilig niyang mag-monologue.                                             
  Hindi na namin iisa-isahin dito ang mga da­yalog ni Pacman, na seryoso  
  ang delivery niya, pero parang comedy ang da­ting kaya panay ang tawa   
  namin.                                                                  
  Ang isang hindi namin makalimutan ay nu’ng lusubin na ng mga sundalo    
  (sa pamumuno ng kapa­tid ni Manny na si Rogelio Pacquiao) ang kuta nina 
  Kumander Idel at pasigaw niyang inutusan ang mga tauhan niya ng,        
  “Rigrop!!!” (na hindi namin na-get nu’ng una, ‘yun pala ang ibig niyang 
  sabihin ay ‘regroup!’).                                                 
  Pamatay rin ‘yung linya ng leading lady niyang si Ara Mina na, “May     
  isang bulaklak na hindi nasasam­yo ang bango ng isang bubuyog. Matagal  
  nang naghihintay ang bulaklak na ‘yon. Hahayaan mo ba itong malanta?”   
  Pagbitaw ni Ara ng mga salitang ‘yon ay big­la siyang nilapitan ng      
  topless na si Manny at buong ningning siyang nilaplap nito nang halik!  
  How sweet, di ba?!                                                      
  Sa gandang ‘yon ng gumaganap na TV reporter na si Ara ay hindi namin    
  mapagtanto kung bakit siya pa ang patay na patay sa karakter ni Manny,  
  na para bang guwapung-guwapo siya rito at hunk na hunk ang dating nito  
  sa kanya.                                                               
  May ‘highlight’ pa si Ara na nagsisisigaw siya at nagda-drama sa gitna  
  ng crossfire ng mga rebelde at sundalo.                                 
  By this time ay napagtanto na siguro ng Pambansang Kamao kung tamang    
  desisyon ba ang paggastos niya ng P30M sa pelikulang ito para lang     
  mapagbigyan ang pangarap niyang maging isang action star.

 Posted in Entertainment,

10 Responses to “Anak ng Kumander by allan diones”

  1. nonoyblog says:

    action star na cya sa totoong buhay, wag na nya sanang sirain yun..

  2. tony89 says:

    Haha, oonga naman, sa trailer palang alam mo na kung anong klaseng movie to eh, nasa iyo nlang kung die hard fan ka ni pacman at manood ka nito hehehe

  3. olive yu says:

    wala ng magawa talaga c pacman inuubos lang nya pera nya sa mga walang kabuluhang pelikula na ito , tgilan mo na yan parang awa mo na!

  4. ken says:

    haha, nilangaw ung premier night?
    wawa naman si idol, hehe.
    kaya pala ni link si pacman at si ara mina para magkaroong ng media hype ung pelikula nyan na magka tambal sila… hehehe.. wala pa rin nangyari. hahaha

  5. benjie says:

    mag concentrate ka na lang kay marquez

  6. ernesto says:

    Napanood ko din yung movie ni pacman yung story tulad din ng mga action movie noon na pinapanood ng marami kaso di na click yung action movie ngayon kung ang mga tema at istorya ay kapreho noon siguro kung makakagawa sila ng mas bago mas maganda, yun siguro magugustuhan ng taon action movie halos pare pareho ng tema, sa isang banda malaking tulong yung movie ng anak ng kumander dahil marami siyang natulungan na artista na di ko na nakikita sa mga movie ngayon na dina binibigyan pansin ng movie industri, nag tapon man siya ng 30 milyon pesos yung nagawa niyang tulong sa mga artistang gumanap doon at binigyan niya uli ng buhay ang action movie sa puso ko panalo siya di ka lang idol isa kang huwaran sa buhay ng tao minsan kailangan natin mag tapon ng malaking pera para maibalik ang nwala at mga nawawala sa atin.

  7. tech84 says:

    sabagay barya lang para sa kanya yung ginastos nya para sa movie na to…

  8. Bombom says:

    Congrats nga pala kay pakyaw sa pagka panalo nya.

    Nabawi rin nya ung ginastos nya sa movie na to. hehehe

  9. Joms says:

    Pacman… mag concentrate ka na lang sa boxing. Nagsayang ka lang ng pera sa pelikulang ito. Sa trailer pa lang halatang pasok sya sa comedy at hindi action genre. LOL!

  10. Karcy says:

    Articles like this make life so much spimler.

Leave a Reply

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...